. .
Hangad

Himig at titik: Paulo K Tirol
Bagong pagsasaayos: Jeanie Tolentino
Gitara: Igo Gonzalez

Kung aawit ako nang mag-isa,
Awit ko'y awitin nga ba?
Sabayan mo ako, Panginoon,
Sa aking pagkanta.

Hangad Kang maging tinig ko't hininga,
Hangad kong makita ang pagmamahal Mo.
Hangad Kang makasabay sa bawat pagkanta,
Hangad ko't hangarin Kita.

Kahit minsa'y aking nalilimutan,
Ikaw, Poon, ay laging nariyan
Kaya't ngayon ang tanging hangad ko
Ay na Ikaw ay laging mapaglingkuran.

Hindi lang sa pag-awit,
Kundi habambuhay.
Panginoon, gawing apoy ang puso ko,
Hangaring umaalab para sa 'Yo.

Kung aawit ako nang mag-isa,
Ako'y umaawit nga ba?
Sabayan mo ako, Panginoon,
Sabayan Mo ako sa aking pagkanta.

Hangad Kang maging diwa ko't damdamin,
Hangad kong tularan ang pagmamahal Mo.
Hangad Kang makasama sa araw-araw,
Hangad ko'y hangarin Kita.

Panginoon, paalabin ang puso ko.
Hangad ko't Ika'y maging tanging hangad ko.