. .
Di Matinag Na Pag-Ibig

Titik: Ivory Ong at Michelle Joy Francia
Himig: Jeanie Tolentino
Pagsasaayos: Paulo K. Tirol
Itinatampok sina: Mariel de Jesus, Teen Andrade, Jeanie Tolentino, TJ San Jose, Paulo K Tirol, Domi Espejo

Koro:
Kalimutan ko man ang kabutihan Mo,
Mahumaling man sa mapang-akit na mundo,
Mahirap kalimutan, mahirap matakasan
Ang di matinag na pag-ibig Mo.

Akin mang mawari landas ng buhay ko,
Pilitin ko mang ikubli ang sarili
Hindi maunawang ang pangangailangan
Sa di matinag na pag-ibig Mo.

(Koro)

Ako'y inanyayahang muling magbalik sa Iyo
Iminulat sa mabuti, binuksan aking puso
Lumbay ay pinawi, ako ay inakay
Sa di matinag na pag-ibig Mo.

(Koro)