. .
banner-our-music
Panunumpa

Music and lyrics by: JBoy Gonzales, SJ
Arrangement: Paulo K Tirol
Soloist: Margie Templo
Violin: Mayos Esmilla
Keyboards: Paulo K Tirol



Ikaw lamang ang pangakong mahalin
Sa sumpang sa Iyo magpakailan pa man.
Yakapin Mo bawat sandali
Ang buhay kong sumpang sa 'Yo lamang alay,
At mapapawi ang takot sa 'kin.
Pangakong walang hanggan.

Ikaw lamang ang pangakong susundin
Sa takbo-sakdal liwanagan ang daan.
Yakapin Mo bawat sandali
Ang buhay kong sumpang sa 'Yo lamang alay,
At mapapawi ang takot sa 'kin
Pagka't taglay lakas Mong angkin.

Ikaw ang siyang pag-ibig ko.
Asahan Mo ang katapatan ko
Kahit ang puso ko'y nalulumbay
Mananatiling Ikaw pa rin.