. .
banner-our-music
Pieta (Oyayi Sa Paanan Ni Hesus)

Music by: Paulo K Tirol
Lyrics by: MJ Francia
Arrangement: Paulo K Tirol
Soloist: Trin Panganiban-Custodio

Ave Maria, gratia plena
Sancta Maria, mater Dei

Kay lamig na ng hangin, lumalatag ang dilim.
‘Di maabot ng tingin itong lagim.
Narito ang ‘Yong ina, damhin Mong yakap-yakap Ka.
Sa kandungan ko, Sinta, mapanatag Ka, Sinta

Nais ko’y pagmasdan Ka sa ‘Yong pamamahinga.
Minsan pa’y iduyan Ka, awitan Ka.
‘Di ko man nababata, puso ko’y lumuluha.
Sa Iyong pag-iisa, sasamahan Ka.

At hihilumin ang brasong sugatan, papawiin mga luha Mong taglay.
Lilinisin, mukha Mong dinumhan, paagusin ang luha kong alay.
Madama ko man mga tinik, yayakapin Ka nang mahigpit, Giliw.
Ihehele’t iduduyan Ka; mahimbing na, tapos na.

Aking Ama! Ako’y nilisan Mo na ba?
Bigyang liwanag, alipin Mong aba.
Tinalikuran Mo na ba? Dinggin ang panalangin ko, Ama!
Sumasamong pagpalain Mo, nang minsan pa’y masabi ko sa ‘Yo:
“Ako’y alipin Mo; sundin ang loob Mo, Ama ko.”

Hihilumin ang brasong sugatan, papawiin ang luha Mong taglay.
Lilinisin, mukha Mong dinumhan, paagusin ang luha kong alay.
Madama ko man mga tinik, yayakapin Ka nang mahigpit, Giliw.
Ihehele’t iibigin Ka; tapos na, tapos na.