. .
Awit Ng Paghilom (new)

Music and lyrics by: Arnel Aquino, SJ
Arrangement: Paulo K Tirol
Soloists: James Lim
Nicky Reyes
Tristan Joel San Jose

Refrain:
Panginoon ko, hanap-hanap Ka ng puso.
Tinig Mo’y isang awit: paghilom.

Panginoon ko, Panginoon ko.

(Repeat Refrain)

Verse 1:
Ang baling ng aking diwa ay sa ‘Yo.
H’wag nawang pababayaang masiphayo.
Ikaw ang buntong-hininga ng buhay.
Dulot Mo’y kapayapaan, pag-ibig. (Refrain)

Panginoon ko, Panginoon ko.

Verse 2:
Ako’y akayin sa daang matuwid.
H’wag nawang pahintulutang mabighani
Ng panandalian at huwad na rilag.
Ikaw ang aking tanging Tagapagligtas. (Refrain)

Verse 3:
Sigwa sa ‘king kalooban, ‘Yong masdan.
Pahupain ang bugso ng kalungkutan.
Yakapin ng buong higpit, ‘Yong anak,
Nang mayakap din ang bayan Mong ibig. (Refrain)

Tinig Mo’y isang awit: paghilom.

Panginoon ko, Panginoon ko.
Panginoon ko, Panginoon ko.